UNDAS

pic from Inq7
Nov, 1, All Saint’s Day, kung san uso ang North at South, panigurado dami na namang tao nyan. Pero bakit sa tuwing All SAINTS Day at hindi All SOUL’s Day which is Nov 2 karamihan ngpupunta ang mga tao, kasama na kami dun…. Siguro kasi start ng nov kaya yun na ang nkasanayan. Sa bawat taon nating paggunita sa ganitong okasyon, namaster na nmin siguro ang pagpunta punta dun (North, South, La Loma, Pasay) ano ba yung mga yan? Sementeryo po…. Yan ang apat na mansion na lagi naming pinupuntahan, …. dami noh? Mayaman po kasi kmi sa lupa….heheheeh…(joke lng)… kaya nga lagi ring hapo pagtapos, pano b naman, puro lakaran yan e…Taliwas sa mga nagdaang taon, (naman! T-A-L-I-W-A-S) nung araw na yun lang ako nakaranas ng sobrang ulan….kalungkot lang… At pansin ko lng, sa tuwing nglelead na ng prayer si Father Oning (pinsan ko na ngsesemenaryo pa lang, na ngayon bini-BI ng iba kong pinsan, hahaha) e dun n ngstastart bumuhos ang ulan… dalawa s pinuntahan naming na ganun lagi ang scenario… di naman cguro galit ang langit nun, haha peace tau Oning… ;) bait yan! (sabay bawe, though pinaaalis n daw ng mga pari s San Carlos, hahaha)…
De ja vu: at sa lagi na ring nakasanayan, usapan 8:00 aalis, 7 pa nga daw e... umm, 8:30 ngsipaggcing ang mga bata (included ako dun,hehe), at exactly 10:30 nakaalis na kami…. Hinatid kami ni Papa, di cya maka2punta ksi sumusuko ang, “joint pain” niya (hssssh,) kaya ang pinuntahan nya nalang ay yung sa South….. tpos kmi naman buti hindi sa Dangwa kami ibinaba, malapit lapit na rin sa North Gate ang binababaan namin. Syempre lakad hanggng dulo
Dami naming nadaanang puntod, may maliit at malalaking space, patunay lamang na kahit dito makikita mo pa rin yung mga taong may kaya, na animo’y mga hari at reyna ang nakatira sa mala-palasyo nilang mosoleyo. May generator pa kamo, san ka pa d b? Nga naman, pati sa huling hantungan ng mga taong ito dala pa rin nila ang pagkakonyo. Pero, siguro kahit sino nanaisin nilang may maayos na paglalagakan ang mga mahal nila sa buhay. Pero tama na siguro yung tama lang…Naala2 ko tuloy yung sinabi ng pinsan naming maliit noon: “Te, bkt dami simbahan dito?”, parang nun lang makarating ng sementeryo noh, actually oo…Meron nga akong laging inaabangan dito e, kala nila kung ano…. Pero Chummie Shawarma lang po iyon, take note Chummie po ah hndi basta bastang shawarma, sa wakas nakita ko ulit yun, ala na kasi sa may Ayala nun e (advertisement lang po).
In my Lola’s grave, we placed her portrait, flower wreaths were offered, and candles were lit as we talk of good times that we shared. Mga biruan, pano ang mgpipinsan nandun. Cguro maliban s Christmas, eto yung okasyon kung san ngkakasama at nagkakakilala ang mga mag-anak… honestly, di ko pa talaga kilala yung iba, kilala ko man sa mukha lang, tpos yung root kung bkt ko sila naging kamag-anak, tatanungin ko tpos malilimutan din..hehehe, shame! Anyway, isa pang shame, lahat sila iisa comment sa akin, gumaganda daw ako, hahaha joke lang… nagkakalaman na daw ako,…ok fine, tumataba daw ako….. pero compliment na rin, kasi mas ok daw…. Ayan totoo na yan..hehe, bsta hnggang ganyang laman nalang daw…hiyang daw sa trabaho, e pano ba naman laging may kainan s amin, tpos pag may dumadating galing ibang office abroad na mga officemates ko laging may dalang chocolates para sa lahat…can’t resist! We spent 4 hours, and then we asked Father Oning to lead our prayers….. yes and in the mid of our prayers, sobrang pagpapala there comes rain…..After that, s La Loma naman, ngpatila ng ulan, then 2loy s journey….. till makapunta sa Pasay by 7pm (shortcut nay un, ang haba e…hehe)
Nagkuhaan kami ng pictures, umm, nghahanap lng ng katatakutan..hahaha (walang mgawa noh). Sa tuwing nkikita naming yng pic na walang “others”, kuha ulit! Walang katapusan hanggang sa may lumabas…heheheh..ibang trip…. Pero ala talaga e, hanggang sa napunta sa akin ang kwento, kasi sa hilig ko sa mga pics, minsan meron talagang lumalabas, ala akong evidence e nabura ko na kasi sa sobrang takot ko, pero may isa akong pinsan na nakakita nun,,,,, sabi nila may nagbabantay daw sa akin….. naku pu! Sana bantay nga lang tlga siya….. hehe
Pero sana, wag lang yung mga katatakutan yung maging highlight why we celebrate All Soul’s Day… This is a very special day, where we honor the memories of the deceased. Remembering not their death, but the life they gave us when they were still with us. Hence, we should not just remember them during this season, but always……
0 Comments:
Post a Comment
<< Home