Monday, April 25, 2005

bAta batuTa ^_^

This was sent through mail, just thought of sharing it with you guys, umm nakakatuwa lng bumalik s pagkabata..sana..sana..hehehe... :)


--nung ikaw ay bata... nagawa mo ba to?--

*kumakain ka ba ng aratilis?
haha, oo noh, alam ko pa nga "ala-tiris" e..may puno s harap nmn nyan s bahay nmin dati.. sarap p yta nun..pra ytang ubas yun..

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walis tingting? yung sa gumamela oo, mas mabula p nga kapag tide (yung panlaba) ang hinalo dun e, hehe pro yung binilog na tanggkay ng walis tingting???hndi yta, hehe..nalimutan ko n yung gngamit panghipan..hehe..bka alm pa ng mga kalaro ko..^_^ kumukupit kami ng gumamela s bahay s may Hicarte yta yun..hehe

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog? hehe..napalo pa nga kami dalawa ni kuya s may kalsada kasi nalaman nsa kapitbahay lng pla kmi nun..kahiya!

*marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?
kahit ng highschool ngla2ro pa kmi nun pati luksong baka.. mron pa, chinese garter, 10-20, sprite, monkey monkey anabelle, nanay-tatay, batuhang tao, tagutaguan, tiktikbum (s probinsya ito), at madami pa...saya, sana mkapaglaro ulit ng ganyan..

*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes? Family computer, Mario forever! hehe

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez? nyay, hndi ko lam lahat yan, Blowing Bubles oo..

*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
umm, di ko lhat alam yan.. pro lam ko yung my little pny, bioman, voltes v.. meron pang sailor moon, magic ray-earth, yung sa takure (hndi ko n alm yung title) bsta prang may time machine cla dun, power rangers..haha

*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type n! a type mo ang puting panty nya? nyaks, mamboso ba..kuliti abot mo nyan..hehe

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?
haha..di nmn ako msyadong matanda..hehe..ooops, may nahurt yta..hehe

*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna... nung high school ka inaabangan mo lagi beverly
hills 90210?
lahat yta ng bata alm ang batibot.. tpos sumunod dun yung "atbp.".. hehe

*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
ha? di ko lam yun.. umm..pro may bangs ako dati.. pro di nakataas ah!

*meron kang blouse na may padding kung babae
ka at
meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

hehe..tuwing alis nmn postura kmi lgi ng kapatid kong maliit, prang nkagown pa nga e with matching bag..^_^ pg may nki2ta kming mga bata s simbahan ng nkaganun, nata2wa kami.. muntik p pla akong mbilhan ng sapatos n umiilaw s likod..hahahaha

*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
may collection pa nga ako ng scented stationaries tpos nki2pgpalit s mga kaklase kaso nabasa ng baha..

*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging?
Sa batibot din mga yan d b? Si Manang Bola na lagi nyang cnasabi s bolang kristal nya: "perlas na bilog wg patulog tulog sabihin skn ang sgot..ba be bi bo bu" hehe.. Sitsiritsit, yun yta yung laging ngsa2bing "sitsiritsit sitsiritsit" s huli ng bawat sa2bhin nila may mga antena pa s ulo.. Si Luning-ning at Luging-ging, yung mgkapatid isa maikli isa mahaba buhok yta yun..tpos tpos si pong pagong na kayang gayahin ni billy, hehe, si batibot na mascot..tpos tpos.. (mgreminisce ba..awat na..hehe)

*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?
ha..ala p yta ako nun..hehe

*idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers?
ha? cno yun?

*eto malupet... six digits! lang ba ang phone number nyo dati?
nyek, hndi noh..kasi...ala p kming phone nung mga time n yun..hehee

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?
haha..ang tanda mo nmn na!hehe

*cute pa ! si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?
haha..bad ka..hehe

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
sorry ka..mas matanda ka s akin..:p

*meron kang pencil case na maraming compartments na inagyayabang mo sa mga kaklase mo?
haha..yung my buit-in pantasa na..maraming pambura..pti lapis iba-iba.. up and down pa yung di-bukas nun..hehe

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
@_@


*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?
s batibot din b yan? yung tinapang bangus yta naalala ko..

*alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe?
1, 2 , 3 asawa ni Marie wlang... yun b yun?

*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
play-doh ka p dyan, clay pede na e..hehe

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
nkakita ako pro ala n ytang halaga yun ng time ko..hehe

*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong...diba naninipit yun?
e kasi dpt rhyme cla.... hehe..oo nga ano..

*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng p! anty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
ha?? ang corny..hehe

*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin?
humanap ka ng panget?hehe

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?
Good Morning na towel naman..^_^

*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?
Bazooka bubble tpos merong comics s loob, collection ko yun, pro ala n ngayn..tira-tira na tigpi2so dati pro ala n kung mkita ngyn, kung di mo lam yun, punta ka red ribbon prang tira-tira yung toppings sa coffee crunch or choco mocha crunch na cake..hehe..sarap nun, tamis..

*kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang porni as BOLD?
di ako ganun..:p

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 20-25 KA...WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG... DIBA 0.75CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MASMASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW? HAHAHAHA

excuse me, hehe..di ko naabutan ang .75 cents..piso oo... ^_^